MENU

(27 October 2020)

Ininspeksyon kahapon ni Civil Defense Administrator Usec Ricardo B Jalad, kasama sina OCD Operations Service Director Bernardo Rafaelito Alejandro IV at G. Christopher Gacutan, hepe ng General Services Division ang bagong tayo na 3-in-1 facility ng OCD sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija. Ang pasilidad na ito ay isa sa mga tinukoy na alternative Command Center ng NDRRMC.

Bago ang inspeksyon nagsagawa ng isang maikling programa para kay Usec Jalad, ang Army Aviation Regiment (AAR) sa pangunguna ni Col Andre Santos, komander ng Nueva Ecija-based AAR.